Total ban sa pagmimina ikinakasa ni Pangulong Duterte

By Chona Yu October 04, 2018 - 01:54 AM

Pipilitin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng total ban sa pagmimina sa buong bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa Catarman, Northern Samar, sinabi nito na susubukan niyang hikayatin ang mga bagong mambabatas na mahahalal sa 2019 elections na bumalangkas ng bagong batas para maipatupad ang total mining ban.

Aminado ang pangulo na bagaman gusto niyang ipatupad na ito ngayon, hindi niya ito magawa dahil sa umiiral na batas na Philippine Mining Act na nilagdaan noon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Ayon sa pangulo, hindi siya mag-aatubili na ipatupad ang total mining sa Pilipinas lalo na’t P70 bilyon lang naman ang ipinapasok sa kaban ng bayan.

Kung tututuusin aniya, limang beses ang halagang nagastos ng pamahalaan sa buwis na nakolekta sa pagmimina dahil sa landslide sa Itogon, Benguet at Naga City sa Cebu kamakailan kung saan ang pagmimina ang itniturong dahilan ng pagguho ng lupa na ikinasawi ng halos isandaang katao.

Kawawa aniya ang taumbayan dahil nasisira ang kalikasan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.