Iniwang opisina ni Mocha Uson ipinasasara na ni Senador Sotto

By Jan Escosio October 04, 2018 - 12:00 AM

Nais ni Senate President Tito Sotto III na alisin na ang Presidential Communication Operations Office (PCOO).

Katuwiran nito dapat ay bawasan na ang mga nangangalaga sa komunikasyon ng Malacañan dahil aniya ang PCOO ay binuo lang naman ng nagdaang administrasyon.

Dagdag pa nito ang dapat mangalaga na lang sa presidential communication ay ang Office of the Press Secretary na pinamumuan ni Secretary Martin Andanar.

Ang panukala ay inilabas ni Sotto sa budget hearing ng PCOO kahapon.

Dagdag pa nito, bahala na si Andanar sa mga maapektuhang opisyal at tauhan ng PCOO.

Pagdidiin ng senador masyadong maraming bida ngayon sa opisina ni Andanar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.