Calayan, Cagayan, iilawan sa pamamagitan ng solar power

By Rhommel Balasbas October 04, 2018 - 03:41 AM

Mabibigyan ng elektrisidad sa pamamagitan ng solar power ang Calayan, Cagayan na isa sa mga matinding sinalanta ng Bagyong Ompong noong Setyembre.

Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni Solar Para sa Bayan President Leandro Leviste na nagtayo ang kanyang grupo ng 320-kilowatt power grid upang bigyan ng kuryente ang bayan.

Bumabangon pa lamang ang Calayan mula sa pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura at hindi pa rin naibabalik ang linya ng kuryente at komunikasyon.

Sa pamamagitan ng proyekto sa Calayan ay maitataguyod umano ang solar energy sa mga lalawigan bilang alternatibo para sa mas mura, malinis at maasahang pagkukunan ng kuryente na walang gastos para sa gobyerno.

Mayroong 16,702 na residente ang Calayan na nasa limang oras na biyahe sa pamamagitan ng bangka mula pa sa Aparri port.

Plano rin ng Solar Para sa Bayan na palawigin ang serbisyo nito sa iba pang lugar na walang kuryente sa Cagayan ayon kay Leviste.

Pinayagan ng Department of Energy (DOE) ang Solar Para sa Bayan na magtayo ng solar power infrastructures sa nasa 20 bayan sa Luzon kabilang na ang Calayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.