Maaaring lagdaan na ngayong araw o bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care bilang isang certified urgent bill.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakipagpulong siya kahapon kina House Committee on Health Chairman Angelina Tan, Health Secretary Francisco Duque at Senador JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Health sa guest house sa Malakanyang para plantsahin ang mga probisyong nakapaloob sa UHC.
Dagdag ni Roque, naayos na ng kanilang hanay ang mga pinagdidebatehang probisyon ng UHC.
Kapag aniya nalagdaan na ni Pangulong Duterte na isang certified urgent bill ang UHC agad niya itong ipipresnta sa publiko.
Sa ilalim ng panukalang batas, mabibigyan ng libreng pagpapagamot, libreng gamot at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES