Pagtanggal kay DOLE Usec. Maglungsod hindi matukoy kung may kinalaman sa Red October Plot
Aminado ang Palasyo ng Malacañan na hindi pa matukoy sa ngayon kung may kinalaman sa Red October Plot ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DOLE Usec. Joel Maglungsod.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging si Pangulong Duterte lamang ang nakakaalam kung bakit niya sinibak si Maglungsod
Sa naunang pahayag ng pangulo, sinabi nito na inalis niya sa pwesto si Maglungsod dahil sa patuloy na pagsasagawa ng mga strike laban sa gobyerno.
Nakaabala kasi aniya sa pag-unlad sa ekonomiya ang mga strike laban sa gobyerno.
Si Maglunsod ay dating kasapi ng Kilusang Mayo Uno bago itinalaga sa DOLE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.