BI magsusumite ng komento sa apela ni Sister Fox ngayong linggo – DOJ

Nakatakdang magsumite ngayong linggo ng kanilang komento ang Bureau of Immigration sa Department of Justice (DOJ) sa apela ng Australian missionary na si Sr. Patricia Fox para makapanatili sa bansa.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos umapela ang madre sa deportation order laban sa kanya dahil sa umano’y pakikiisa sa mga partisan activities laban sa gobyerno.
Sa kanyang petisyon sinabi ni Fox na ang deportation order ng BI sa kanya ay ibinatay lamang sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang ‘undesirable alien’.
Matatandaang iginiit ng madre na bagaman sumama siya sa ilang mga pagtitipon ng mga magsasaka ay walang mali rito.
Ang pagdalo anya sa mga aktibidad na nananawagan para sa katarungang panlipunan at paggalang sa karapatang pantao ay bahagi ng kanyang missionary work.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.