Bilanggong nanlaban sa mga pulis patay sa Pangasinan

By Justinne Punsalang October 04, 2018 - 03:18 AM

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang bilanggo matapos itong mabaril ng mga pulis sa loob ng police service vehicle sa Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang nasawing bilanggo na si Klyd Conde na nakapiit sa Mangaldan Municipal Police Station dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at pagtatago ng hindi lisensyadong baril.

Ayon sa mga otoridad, pabalik na si Conde at mga pulis sa piitan mula sa korte kung saan ito sumailalim sa inquest proceedings nang hablutin nito ang baril ng isa sa kanyang mga bantay.

Nagpambuno sa baril si Conde at ang pulis, dahilan upang pumutok nang ilang beses sa loob ng sasakyan ang baril. Nang mabawi ng otoridad ang kanyang baril ay pinaputukan nito ang bilanggo na nanlaban.

Dinala pa sa Mapandan Community Hospital si Conde ngunit idineklara itong dead on arrival.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub