DBM: Hirit na umento sa sweldo hindi makakabuti sa ekonomiya

By Den Macaranas October 03, 2018 - 04:44 PM

Inquirer file photo

Mas lalong pahirap sa ekonomiya kapag itinaas ang sahod ng mga manggagawa sa gitna ng mataas na inflation rate sa bansa.

Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na wala sa tiyempo ang hirit na dagdag sahod sa kasalukuyang panahon.

Ipinaliwanag ng kalihim na mas lalong tataas ang halaga ng mga bilihin kapag nagpatupad ng dagdag na umento sa gitna ng mataas na inflation rate.

Magugunitang sa buwan ng Agosto ay umabot sa 6.4 percent ang antas ng inflation na siyang pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.

Positibo naman ang kalihim na ang transitory stage sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo ay papasok na sa huling bahagi ng 2019.

Nangangahulugan anya ito na unti-unti nang nakaka-rekober ang ekonomiya ng bansa at dahan-dahan na ring bababa ang epekto ng inflation lalo na sa mga pangunahing bilihin.

Dagdag pa ni Diokno, ang pinagtibay na reduction sa maximum tax rate na 25 percent mula sa dating 32 percent dahil sa Train Law ay mababalewala lamang kapag lumobo namang lalo ang halaga ng mga bilihin.

Nauna dito ay inaprubahan ng Labor Department ang P20 na dagdag umento para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila.

Pero hindi rin ito nagustuhan ng mga labor groups dahil kakarampot lang ang nasabing dagdag-sahod.

TAGS: BUsiness, daily wage, DBM, diokno, inflation rate, BUsiness, daily wage, DBM, diokno, inflation rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.