Cong. John Bertiz naospital

By Erwin Aguilon October 03, 2018 - 03:30 PM

Inihayag ni House Minority Leader Danilo Suarez na kaalukuyang naka confine sa ospital si Acts-Ofw Rep. John Bertiz kasunod ng mga kontrobersya na kinasangkutan nito.

Ayon kay Suarez, simula kahapon naospital ni Bertiz sa hindi malinaw na dahilan sa kanya.

Paliwanag ni Suarez, dati nang sumailalaim sa operasyon si Bertiz dahil sa bara sa ugat sa puso nito.

Kinumpirma naman ni Bertiz na nasa ospital siya kaya hindi makadadalo sa pagdinig ng House Ethics Committee sa kinasasangkutan nyang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bertiz hindi siya pinayagan ng kanyang doktor na lumabas ng ospital.

Kamakailan lang ay naging kontrobersiyal si Bertiz makaraan siyang makunan ng CCTV sa NAIA habang kinakastigo ang isang airport official makaraan siyang tumangging sumunod sa security protocol.

TAGS: acts-ofw, Danilo Suarez, John Bertiz, NAIA, acts-ofw, Danilo Suarez, John Bertiz, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.