Morissette Amon pambato ng Pilipinas sa Asia Song Festival 2018

Kakatawanin ng singer na si Morissette Amon ang Pilipinas sa Asia Song Festival na gaganapin sa Busan, South Korea.

Ang dalawang araw na event ay gaganapin ngayong araw sa Busan Asian Stadium na ika-15 edisyon na at mayrong tema na “Asia is One”.

Sa kaniyang Instagram ibinahagi ni Morissette ang venue ng festival na mayroong caption na “We’re back!!”

Ito ang ikalawang sunod na taon na lalahok si Morissette sa festival.

Noong 2017 ay siya rin ang kumatawan sa Pilipinas kung saan inawit niya ang sariling rendisyon ng “secret Love Song” at medly ng “Best of My Love” at “Emotion”.

Makakasama ni Morissette sa stage sa festival ngayong araw ang mga popular na Korean groups gaya ng Wanna One, SEVENTEEN, Red Velvet at Momoland.

Read more...