Board member ng Isabela kalaboso matapos makasagasa ng parking attendant sa QC

By Jong Manlapaz October 03, 2018 - 11:53 AM

FB Photo

Hawak ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4 ang board member ng isabela na nakasaga at nakapatay ng parking boy sa Tomas Morato Avenue, Brgy. Sacred Heart, sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Isabela Board Member Ed Christopher Go, 29 anyos na nagmamaneho ng BMW Sedan na may plate number na 2773.

Matinding tama sa ulo at bali sa katawan ang natamo ng biktimang si Celso Calacat, 50 anyos na kaniyang agad na ikinasawi.

Lumalabas sa imbestigasyon ng QCPD na lasing ang suspek nang magmaneho ng sasakyan, batay na rin sa resulta ng test sa kanya sa Jose Reyes Hospital na pirmado ni Dra. Cynthia Charmino.

Ayon naman sa abogado ng suspek na si Atty. Marc Lee, nakahandang harapin ni Go ang kasong isasampa sa kanya at nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng biktima para magpaabot ng tulong.

Si Go ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa R.A. 4136 matapos magmaneho ng nasa impluwensya ng alak.

TAGS: isabela board member, parking attendant, quezon city, isabela board member, parking attendant, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.