WATCH: Asec. Mocha Uson, nagbitiw na sa PCOO
Nagbitiw na sa pwesto si Mocha Uson bilang assistant secretary ng Presidential Communication Operations Office (PCOO).
Sa kaniyang pagharap sa senado sa budget hearing ng PCOO inanunsyo ni Uson ang kaniyang pagbibitiw.
Ani Uson na kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang kaniyang resignation letter.
Sinabi ni Uson na matagal na niyang pinag-iisipan ang pagbibitiw dahil sa dami ng tinatanggap na batikos.
Pero ang higit na nagtulak sa kaniya ay ang panggigipit umano ng ilang mambabatas sa budget ng PCOO.
Mensahe ni Uson sa kaniyang kritiko, hindi siya nagbitiw sa pwesto nang dahil sa takot siya kundi dahil nais niyang lumaban ng patas.
Binatikos din nito ang ilang mambabatas na aniya ay ginagamit ang posisyon para takutin at gipitin ang mga opisyal ng mga ahensya na hindi sumasang-ayon sa kanilang agenda.
Ngayong wala na siya sa gobyerno, sinabi ni Uson na mas handa na siyang lumaban bilang ordinaryong Pilipino.
Tiniyak din nitong raratsada sya sa kaniyang blog at makikipagbakbakan sa kaniyang mga detractors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.