Pinoy na napatay sa saksak ng kapwa Pinoy sa Jeddah, iuuwi na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2018 - 09:48 AM

Nakatakda nang iuwi ng bansa ang mga labi ng Overseas Filipino Worker na napatay sa saksak ng kapwa niya OFW sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ang 29 anyos na bitkima ay tubong Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, habang ang 34 anyos na suspek naman ay tubong Capiz.

Naganap ang insidente noong Linggo kung saan nagtalo ang dalawa na nauwi sa suntukan at pananaksak.

Kapwa nagtatrabahong family driver ang dalawa sa isang pamilya sa Jeddah.

Hawak naman na ng mga pulis ang suspek.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, kapwa binibigyang tulong ng Consulate General Office at Philippine Overseas Labor Office ang dalawang Pinoy.

Sa October 5 ayb nakatakda sanang bumalik ng Pilipinas ang biktima para magbakasyon.

Ang suspek ay maaring maharap sa parusang bitay kapag napatunayang guilty ng korte sa Saudi.

Pero ayon kay Badajos, dahil kapwa-Pinoy naman ang biktima maaring humingi ng kapatawaran ang pamilya ng suspek at idaan na lamang sa blood money ang usapan.

TAGS: DFA, Filipino Workers, Jeddah Saudi Arabia, ofw, DFA, Filipino Workers, Jeddah Saudi Arabia, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.