Babaeng call center agent patay matapos barilin ng holdaper sa Cebu City

Patay ang 37 anyos na call center agent matapos holdapin habang naglalakad sa bahagi ng Pope John Paul Avenue sa Barangay Mabolo sa Cebu City.

Ayon kay SPO3 Arnulfo Aventajado ng Mabolo Police Station, ang biktimang si Lorien Temple ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang dibdib na kaniyang ikinasawi.

Sa inisyal na imbestigasyon inagaw ng hindi pa nakilalang suspek ang bag ni Temple habang siya ay naglalakad patungo sa masasakyan niya pauwi.

Agad tumakas ang suspek sakay ng naghihintay na motorsiklo matapos barilin ang biktima.

Bumuo na ng tracker team ang Cebu City Police Office para madakip ang mga suspek.

Titignan din ng mga otoridad kung mayroong malapit na CCTV sa lugar.

Read more...