DILG inatasan ang NCRPO na hulihin ang mga namemeke ng dokumento sa Recto
Mahigpit ang bilin ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na huwag tigilan ang mga naglipanang counterfieters sa Recto, Maynila.
Sabi ni Año, direktang lumalabag sa Revised Penal Code at iba pang batas ang mga forgery shops sa Recto.
Sabi pa ng kalihim na sa kabila ng tagumpay ang mga operasyon ng DILG sa lugar, patuloy pa rin ang produksyon hanggang ngayon ng mga pekeng dokumento.
Marami na rin umano ang nakinabang at naloko ng mga pekeng dokumentong gawang Recto.
Inobliga rin ni Año si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na surportahan ang PNP-NCRPO laban sa mga namemeke sa Recto para masampahan ng kaukulang kaso.
Minsan nang nagkaroon ng operasyon ang MPD sa lugar na nagresulta ng pagkumpiska ng 342 fake LTO license cards, 23 fake LTO receipts, 65 blank LTO receipts, 370 blank PVC cards, aT ID card cutter. Kinumpiska rin nila ang computers, laminating machines, printers, at scanners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.