Kumakalat na trailer ng pelikulang “Fisting” hindi pa dumadaan sa review – MTRCB
Binalaan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang producers ng pelikulang “Fisting” matapos na kumalat online ang trailer nito.
Ayon kay MTRCB Chairperson Rachel Arenas, hindi pa dumadaan sa kanilang ang trailer ng pelikula.
Sa pahayag sinabi ni Arenas na hindi pa nga naisusumite sa MTRCB ang trailer ng “Fisting” para sa review at para mabigyan ng classification.
Paliwanag ng MTRCB, sa ilalim ng Sec 3, Chapter IV ng Presidential Decree Number 1986, ang mga trailer para sa pelikula at TV programs at dapat pumasa sa G rating.
Samantala, dahil naman sa tinanggap na batikos sa social media, babaguhin na ang titulo ng naturang pelikula.
Mula sa “Fisting” ay gagawin nang “Never Tear Us Apart” ang titulo.
Sa pahayag ng Cinema One Originals sa kanilang Facebook, ito ang naging pasya ng producers at filmakers bilang tugon sa komento ng netizens.
Ayon sa Google ang salitang “Fisting” ay mayroong kaugnayan sa sexual activity kaya naman inulan ng batikos ang titulo ng pelikula.
Ang naturang pelikula ay sa direksyon ni Whammy Alcazaren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.