Katwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang sapat na basehan para pairalin ang batas militar sa Luzon at Visayas.
Sa ngayon, tanging sa Mindanao Region lamang umiiral ang batas militar dahil sa ginawang panggugulo ng teroristang ISIS at Maute group sa Marawi City noong May 2017.
Tatagal ang batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong 2018.
Maari aniyang magsanib-pwersa ang nga kalaban na patalsikin sa puwesto ang pangulo subalit tiyak na hindi sila magtatagumpay sa kanilang plano.
Kumpiyansa kasi aniya ang administrasyon sa buong suporta ng taong bayan sa pamumuno ni Pangulong Duterte.