“Red October” plot hindi alibi para magdeklara ng nationwide martial law – Malakanyang

By Chona Yu October 03, 2018 - 07:59 AM

Tiniyak ng Malakanyang na hindi alibi ang “Red October” plot o ang planong pagpapatalsik sa puwedto kay Pangulong Rodrigo Duterte para magdeklara ng martial law sa buong bansa.

Katwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang sapat na basehan para pairalin ang batas militar sa Luzon at Visayas.

Sa ngayon, tanging sa Mindanao Region lamang umiiral ang batas militar dahil sa ginawang panggugulo ng teroristang ISIS at Maute group sa Marawi City noong May 2017.

Tatagal ang batas militar sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong 2018.

Maari aniyang magsanib-pwersa ang nga kalaban na patalsikin sa puwesto ang pangulo subalit tiyak na hindi sila magtatagumpay sa kanilang plano.

Kumpiyansa kasi aniya ang administrasyon sa buong suporta ng taong bayan sa pamumuno ni Pangulong Duterte.

TAGS: Harry Roque, Nationwide Martial Law, red october, Harry Roque, Nationwide Martial Law, red october

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.