AWOL na sundalo, 7 iba arestado sa buy-bust sa QC at Makati

By Dona Dominguez-Cargullo October 03, 2018 - 07:54 AM

Walong katao ang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at Makati City sa magdamag.

Sa isang apartelle sa Cubao, nadakip ang limang katao na naaktuhan sa kasagsagan ng pot session.

Target ng operasyon ang suspek na si alyas Rein subalit nadatnan na kasama nito ang apat na iba pang mga suspek.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ryan Delfin, 36 anyos; Winnie Sobreviñas, 40 anyos; Jendel Ocasla, 23 anyos; Cristy Sakayan, 30 anyos; at Jonnel Luzano, 24 anyos.

Nakuhanan sila ng siyam na sachet ng hinihinalang shabu, isang piraso ng P500 bill na ginamit na buy bust money, at tatlong cellphone.

Sa Makati naman, tatlo ang nadakip sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga pulis.

Sa Barangay Rizal, nadakip ang isang tricycle driver na suma-sideline sa pagtutulak ng ilegal na droga. Nakuhanan sya ng tatlong sachet ng shabu.

Sa Barangay South Cembo naman, isang AWOL na sundalo at kaniyang misis ang naaresto.

Ayon sa Makati City police, sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang mag-asawa.

Labingtatlong sachet ng shabu ang nakuha sa kanila.

TAGS: anti-illegal drugs, Makati, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs, anti-illegal drugs, Makati, quezon city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.