Ang hearing ng CA ay kaugnay sa petition for the issuance of Writ of Habeas Corpus at Writ of Amparo para kay Menorca at kaniyang pamilya na umano ay ikinulong sa INC compound.
Inaasahan na dadalo sa hearing si Menorca at kanyang pamilya, pati na ang kasambahay na kasamang ikinulong.
Posible namang walang dumalo mula sa panig ng pamunuan ng INC dahil wala umanong natanggap na utos mula sa korte ang mga Sanggunian members na sina Radel Cortez, Bienvenido Santiago at Rolando Esguerra.
Hindi rin umano sila nakatanggap ng kopya ng resolusyon ng Korte Suprema na inilabas noong Oktubre 23 na nag-uutos na maibalik ang usapin sa CA at maisagawa ang nasabing pagdinig.
Inaasahan na hihilingin ng abugado ng INC ang dagdag na panahon para makapagsumite ng kanilang sagot.
Samantala sa labas ng CA nasa limampung mga INC members na nakasuot ng barong ang nagtitipun-tipon at nag-aabang din sa isasagawang pagdinig.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito habang dinirinig ng CA ang petisyon.