US Secretary of State Mike Pompeo at North Korean Leader Kim Jong Un magkikita sa Linggo
Magkikita sina US Secretary of State Mike Pompeo at North Korean Leader Kim Jong Un sa Pyongyang sa darating na Linggo.
Bahagi ito ng Asia trip ni Pompeo ayon sa State Department ng US.
Ito na ang magiging ikaapat na beses na pagbisita ni Pompeo sa Pyongyang.
Maliban sa North Korea, kasama ring pupuntahan ni Pompeo ang Japan, South Korea at China.
Sa magiging pagpupulong nila ni Kim, pag-uusapan ang ikalawang summit sa pagitan ng North Korean leader at ni US President Donald Trump.
Bagaman tiyak nang matutuloy ay wala pang petsa at lugar kung san ito gagawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.