2 arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa Pasig

EPD Photo

Arestado ang dalawang katao sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Pasig City.

Ayon kay Sr. Supt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig City Police, isinagawa ang dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng kanilang Special Drugs Enforcement Unit.

Sa Barangay Pinagbuhatan, naaresto ang suspek na kinilalang si Danilo Torrecampo, 51 anyos at nagtatrabaho bilang porter.

Makalipas ang dalawang oras nadakip sa parehong barangay ang babaeng suspek na si Maritess Roxas, 37 anyos.

Nakuha sa dalawang suspek ang 11 piraso ng plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu, at P400 na buy-bust money.

Agad dinala sa Rizal Medical Center (RMC) ang dalawa para sa medical examination at pagkatapos ay idineretso sa Pasig City Police Station Headquarters kung saan sila pansamantalang makukulong.

Read more...