Hindi paglilipat kay Palparan sa NBP inalmahan ng Magnificent 7
Binatikos ng Magnificent 7 sa Kamara ang patuloy na pananatili ni dating General Jovito Palparan sa kustodiya ng militar sa kabila ng conviction sa kanya ng Malolos Regional Trial Court (RTC).
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin inililipat sa New Bilibid Prison (NBP) ang tinaguriang berdugo ng mga progresibong grupo.
Paliwanag ni Lagman, kasama sa order ng korte ang pagdadala ng militar kay Palparan sa NBP pero dalawang linggo na ay hindi pa rin sinusunod.
Base aniya sa memorandum circular ng Supreme Court ang isang national prisoner tulad ng dating general ay dapat nakakulong sa national penetentiary kahit pa nakabibin ang apila nito sa korte.
Maituturing din aniyang contemptous ang ginawa ng militar na di pagsunod na atas ng korte.
Tinawag namang tagumpay ni Lagman ang pagbaba ng hatol ng husgado kay Palaparan para sa mga human rights advocates.
Iginiit naman kay Akbayan Representative Tom Villarin na hindi maaring mag-invoke ng humanitarian consideration si Palparan upang hindi makulong sa NBP dahil karumal-dumal ang ginawa nitong paglabag sa karapatang pantao noong siya sa opisyal pa ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.