Higit P849M jackpot sa 6/58 Ultra Lotto, hindi pa rin napanalunan
Sa kabila ng pagdagsa ng mga tao sa lotto outlets sa buong bansa ay hindi pa rin napanalunan ang P P849,578,320 na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto sa bansa.
Ang winning combination sa draw kagabi ay 30-41-53-04-02-54.
Dahil dito, may tyansa pa ang publiko na makamit ang papremyo na inaasahang lolobo pa.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may premyong higit P73 milyon.
Ang winning combination ay 14-20-15-21-36-05.
Ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto sa bansa na P741,176,323.20 ay huling napanalunan ng isang balik-bayan noong November 29, 2010.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.