Babae patay sa pananaksak sa Maynila

By Justinne Punsalang October 03, 2018 - 03:47 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang babae, habang sugatan naman ang isa pa, matapos pagsasaksakin sa loob ng isang bar sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Anecita Sialongo, 41 taong gulang. Kritikal naman ang kundisyon ni Celia Tamayo, 56 na taong gulang na kahera ng Marina Bar kung saan naganap ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagtalo si Sialongo at ang suspek na si Robert Nocos, na isang matador.

Nakakuha ng kutsilyo ang suspek, at dahil sa init ng ulo ay pinagsasaksak nito ang biktima.

Sinubukang awatin ni Tamayo si Nocos, dahilan upang madamay ito sa pananaksak.

Agad na tumakas si Nocos ngunit nadakip naman ito ng mga pulis sa tulong ng CCTV sa lugar.

Mahaharap si Nocos sa kasong homicide at frustrated homicide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.