Tulak ng droga patay sa operasyon sa Cavite

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang lalaking drug suspek matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay San Francisco, General Trias City, Cavite.

Kinilala ang nasawing tulak ng iligal na droga na si Alyazzriff Sahibuddin alyas Payat na kabilang sa drug watch list ng mga otoridad.

Ayon sa mga pulis, sa kalagitnaan ng operasyon at nakatunog si Sahibuddin na pulis ang katransaksyon.

Bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad na silang gumanti ng putok na ikinasawi ng suspek.

Bukod sa iligal na droga ay narekober din mula sa suspek ang kanyang kalibre 38 revolver.

Read more...