Parking attendant patay matapos masagasaan sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 03, 2018 - 04:40 AM

Hindi na na-revive pa ng rescue team ang isang lalaki matapos itong masagasaan sa kahabaan ng Tomas Morato sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Celso Calacat, 50 taong gulang at isang parking attendant sa lugar.

Kwento ng nakasaksi sa aksidente, nakita niyang abala sa pag-assist sa isang sasakyan si Calacat at matapos ito ay tumawid ang biktima sa kabilang bahagi ng kalsada.

Doon naman biglang dumating ang isang SUV na matulin ang patakbo sa gitna ng kalsada at nahagip si Calacat.

Nakaladkad ng halos 30 metro si Calacat bago naharang ng mga tao ang SUV.

Sinasabing nakainom ang driver ng SUV na si Ed Christopher Go, batay na rin sa amoy alak ito.

Sa ngayon ay hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4 si Go at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.