World Bank naglabas ng $496.25M para sa Ompong rehab

By Rhommel Balasbas October 03, 2018 - 02:14 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Inanunsyo ng World Bank ang paglalabas nito ng kabuuang $496.25 o P26 bilyon na halaga ng pautang bilang tulong sa gobyerno ng Pilipinas sa isinasagawang rehabilitasyon sa mga biktima ng Bagyong Ompong.

Sa pahayag ni Mara K. Warwick, ‘World Bank country director for Brunei Darussalam, Malaysia, Philippines and Thailand’, sinabi nitong nakikiisa sila sa mga Filipino na naapektuhan ng kalamidad at tiniyak ang suporta sa pangangailangan ng bansa.

Ayon sa multilateral lender, sa pamamagitan ng Catastrophe-Deferred Drawdown Option (Cat-DDO 2) matutulungan ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga pamilya at komunidad; maitayo ang mga pangunahing imprastraktura; at maibalik ang social services.

Sa ilalim din ng programa ay maihahanda ang Pilipinas sa mga kalamidad sa hinaharap.

Ang Cat-DDO ay isa lamang sa mga uri ng tulong na ipinagkakaloob ng World Bank sa mga bansa upang makabangon ito sa mga kalamidad.

Matatandaang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa apat na rehiyon dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Ompong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.