Naitala ang magkahiwalay na pagyanig sa Surigao del Norte at Zamboanga del Sur Martes ng gabi.
May lakas na magnitude 3.0 ang lindol na naitala sa Surigao del Norte alas-10:57.
Ang episentro nito ay sa layong walong kilometro Hilagang-Kanluran ng Pilar.
May lalim ang pagyanig na 25 kilometro.
Alas-11:04 naman nang maitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Zamboanga del Sur.
Ang episentro ay sa layong 40 kilometro Timog-Silangan ng Tabina.
Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES