Day 2: Mga sasakyang nakaparada sa Mabuhay Lanes hinatak ng HPG at MMDA
Pinahatak na ang mga sasakyang naabutang nakaparada sa mga kalsadang sakop ng Mabuhay lanes.
Ipinagpatuloy ang clearing operations ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Mabuhay lanes ngayong umaga ng Martes, November 3.
Partikular na nilinis sa mga nakaparadang sasakyan ang ruta mula sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Caloocan, Balintawak Cloverleaf, Edsa, Monumento, A. de Jesus (8th Street), C-3, A. Bonifacio Roa, Mayon Avenue patungo ng Welcome Rotonda.
Sa bahagi pa lamang ng 8th street sa Caloocan, umabot na sa tatlong sasakyan ang nahatak dahil nakaparada sa nasabing kalye na sakop ng Mabuhay lane.
Sa bahagi naman ng Mayon Street sa Quezon City, mayroon ding isang truck na nahatak dahil nakaparada sa kalsada.
Mayroon ding pitong motorsiklo ang inalis sa mga kalsadang nadaanan ng HPG at MMDA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.