#QueeniePH napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea

By Rhommel Balasbas October 02, 2018 - 11:30 PM

Napatili ng Bagyong Queenie ang lakas nito habang kumikilos pa Hilagang-Kanluran.

Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,000 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyong pa-Hilagang-Kanluran.

Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyo ngunit ang trough nito at posibleng magdala ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Silangang bahagi ng bansa.

Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng umaga.

Samantala, nananatiling mapanganib ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Luzon dahil sa matataas na alon dulot ng bagyo.

TAGS: #QueeniePH, #QueeniePH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.