Mayor Sara Duterte nagbabaka-sakali rin sa 6/58 lotto jackpot

By Isa Avedaño-Umali October 02, 2018 - 07:46 PM

Instagram post

Dumagsa ang mga tao sa iba’t ibang lotto outlet upang tumaya sa 5/58 Ultra Lotto.

Sa magiging bola mamayang gabi, inaasahang papalo na sa mahigit P835 Million na ang jackpot prize.

At dahil sa laki ng premyo, pati si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte, tumaya na rin sa lotto.

Sa kanyang Instagram Account, ibinahagi ni Mayor Inday ang litrato ng kanyang naging pagtaya sa lotto, maging ang listahan ng paglalaanan niya ng pera sakaling swertehing manalo.

Tig P100 Million aniya ay para sa kanyang mga anak na sina Shark, Stingray at Stonefish.

Isang daang milyong piso ay ibibigay niya sa isang foundation para sa mga kabataan, habang ang natitirang salapi ay ilalaan sa iba pa gaya ng P5 Million balato para sa tindera ng lotohan at P45 Million na balato sa “tanan.”

Sa bandang huli, sinabi ni Mayor Sara na magdo-donate daw siya ng P121 Million para sa legal fees ni Senador Antonio Trillanes IV.

Hindi na bago ang pagbanat na may patawa ni Inday Sara gamit ang social media, sa mga kalaban ng kanyang tatay na si Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: 6/58, Davao City, Jackpot, Lotto, Sara Duterte, trillanes, 6/58, Davao City, Jackpot, Lotto, Sara Duterte, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.