6 cabinet members magbibitiw sa pwesto

By Chona Yu October 02, 2018 - 07:37 PM

Inquirer file photo

Aabot sa anim na miyembro ng gabinite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibitiw sa susunod na linggo.

Ito ay dahil sa inaasahang maghahain ng certificate of candidacy ang anim na miyembro ng gabinete sa October 11 hanggang 17 para sumabak sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tatlo sa mga gabinete ang tatakbo sa national position habang tatlo naman ang sa lokal.

Tumanggi naman si Roque na tukuyin ang anim na miyembro ng gabinete.

Hindi rin direktang sinagot ni Roque ang tanong kung tuloy ang kanyang pagkandidatong senador sa 2019.

Bukod kay Roque, matunog din ang pangalan nina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go at Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino na kakandidatong senador.

Ayon kay Roque, tiyak na madaling makahahanap si pangulong rodrigo duterte ng bagong tagapagsalita kapag nagpasya siyang kumandidatong senador habang mahihirapan naman ang pangulo na humanap sa babakantehing puwesto ni Go na isa sa mga most trusted person ng punong ehekutibo.

TAGS: bong go, Cabinet, duterte, Francis Tolentino, Harry Roque, Senate, bong go, Cabinet, duterte, Francis Tolentino, Harry Roque, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.