Sabwatan sa “Red October” plot iginiit ng Malacañang na totoo

Inquirer file photo

Walang nakikitang inconsistency ang Malacañang kahit na magkaiba ang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez kaugnay sa “Red October” plot o planong pagpapatalsik sa puwesto sa punong ehekutibo.

Sa pagdinig kasi sa Senado, sinabi ni Galvez na walang kinalaman sina Sen. Antonio Trillanes IV at Liberal Party sa planong pagpapatalsik sa pangulo taliwas sa akusasyon ni Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong sa bibig kasi ni Trillanes nanggaling ang panawagan nitong magbitiw sa pwesto ang pangulo o matanggal sa posisyon.

Maari kasi aniyang walang pormal na alyansa o memorandum of agreement ang grupo nina Trillanes, Liberal Party at ang Communist Party of the Philippines pero maaaring magkakasabwat ang mga ito sa plano.

Wala rin aniya sa mga kritiko ang aamin subalit base sa inteligence information ay valid ang pahayag ng pangulo na plano siyang patalsikin sa puwesto.

Read more...