LP hindi kasama sa “Red October” plot ayon sa AFP

By Den Macaranas October 02, 2018 - 05:13 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez na hindi kasama ang Liberal Party sa mga nagpa-plano ng “Red October” plot para mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa budget deliveration sa Senado, sinabi ni Galvez na ang New People’s Army (NPA) ang siyang direktang sangkot sa planong pagpapatalsik sa pangulo.

Pilit umanong nakikipag-ugnayan ang komunistang grupo sa iba’t ibang samahan na kritikal sa pangulo para maisulong ang nasabing ouster move.

Ang nasabing pahayag ni Galvez ay taliwas sa naunang ulat ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations B/Gen. Antonio Parlade.

Magugunitang sinabi ni Parlade na kasama ang LP, Tindig Pilipinas at CPP-NPA sa mga nasa likod ng planong pagpapatalsik sa pangulo.

Nauna na ring sinabi ni LP President Sen. Kiko Pangilinan na hindi sila sang-ayon sa anumang uri ng pagpapatalsik sa pangulo sa pamamagitan ng iligal na pamamaraan.

Sa paharap sa Senado kanina ni Galvez, kanya ring sinabi na aktibo sa massive recruitment ang CPP-NPA para sa mga sasama sa Red October plot.

Kabilang sa kanilang hininikayat ay ilang mga kabataan, urban poor organizations pati na rin ang labor sector.

TAGS: afp. october plot, CPP-NPA, duterte, galvez, libreal party, afp. october plot, CPP-NPA, duterte, galvez, libreal party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.