Metro Manila at ilang kalapit lalawigan inulan at binaha

By Isa Avedaño-Umali October 02, 2018 - 04:18 PM

Photo: Nelle Marie Ocampo

Malakas na ulan ang naranasan sa ilang parte ng Metro Manila ngayong hapon ng Martes.

Sa pag-iikot ng Radyo Inquirer, malakas ang pag-ulan at nagdulot din ang bahagyang pagbaha sa Quezon City, Maynila, Taguig at Makati, maging sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Iniulat rin ng Metrobase ng Metro Manila Development Authority na paralisado ang ilang mga kalsada sa mga binahang lugar na siyang nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Kabilang rin sa mga binaha ay ang basement ng Farmer’s Mall sa Cubao sa Quezon City.

May naireport din na sama ng panahon sa mga kalapit na lalawigan gaya ng Zambales, Rizal, Bataan, Bulacan at Batangas.

Batay sa 1:55 p.m thunderstorm advisory ng Pagasa, makararanas ng heavy rainshowers na may kulog at malakas na hangin sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna at Quezon sa susunod na dalawang oras.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat mula sa posibleng epekto ng sama ng panahon.

Samantala, sinabi naman ng Pagasa na walang direktang epekto sa naganap na pag-ulan ang bagyong si Quennie.

 

Photo: Nelle Marie Ocampo

TAGS: baha, farmers, mmda, Queenie, quezon city, baha, farmers, mmda, Queenie, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.