Pinuno ng DND at AFP kinompronta ni Trillanes sa isyu ng amnesty
Nagisa sa budget deliveration sa Senado si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez Jr. at Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Ito ay kaugnay sa patuloy na paggigiit ni Sen. Antonio Trillanes IV na nawala sa pangangalaga ng mga opisyal ng AFP at DND ang kanyang aplikasyon para sa amnesty.
Sinabi ni Galvez na si Lt. Col. Josefa Berbigal ang nagpanumpa kay Trillanes nang kanyang isumite ang nasabing aplikasyon.
Inamin ng opisyal ng militar na nagkaroon ng lapses kaya hindi naibalik sa J1 ang nasabing mga dokumento.
Iyun din daw ang siyang naging dahilan kaya naglabas ng certification si Lt. Col. Thea Joan Andrade na nagsasabing nagsumite ng kanyang amnesty application si Trillanes.
Sinabi rin ni Galvez na ibinabase lamang niya ang kanyang pahayag kaugnay sa nasabing aplikasyon sa mga naging ulat sa kanya ni Andrade.
Nauna dito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumaan sa tamang proseso ang amnesty proclamation ni Trillanes.
Samantala, sinabi naman ni Trillanes na nakita na ng kanyang mga staff ang kopya ng Proclamation 75 na pirmado ni dating Defense Sec. Voltaire Gazmin na nag-apruba sa kanyang isinumiteng amnesty application.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.