2 lalaki na suspek sa pagpaslang sa opisyal ng Land Bank sa Maynila, nakita sa CCTV

By Ricky Brozas October 02, 2018 - 01:01 PM

MPD Photo

Humihingi ng tulong sa mga mamamahayag ang Manila Police District (MPD) upang agad malutas ang kaso ng pagpaslang kay Almeric Carlo Aldaba, ang hepe ng accounting division ng Land Bank of the Philippines, na binaril noong gabi ng Setyembre 6, 2018 habang nakapark sa harap ng isang food chain sa Recto Avenue, Maynila ang sinasakyang kotse.

Sa press conference, inanunsiyo ni P/Supt. Julius Cesar Domingo na magbibigay ng P50,000 ang pulisya bilang pabuya sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan at pagtunton sa dalawang salarin na nakita sa CCTV na magkasama sa pagpatay kay Aldaba.

Nagkaroon din ng audio visual presentation sa mga footage na nakalap ng MPD homicide section sa crime scene kung saan nanggaling ang dalawang suspek, na matapos barilin ng isa sa kanila ang biktima ay nagpabalik-balik lamang sa lugar ng insidente.

Inihayag din ng pulisya na sinasantabi na nila ang motibong pagnanakaw sa biktima dahil walang nagalaw sa kanyang mga gamit na nasa loob ng sasakyan.

Ayon kay MPD District Director for Operation Sr. Supt Antonio Yarra, mayroon na silang tinututukang person of interest ngunit sa ngayon ay hindi pa ito maaaring isapubliko dahil may mga serye pa sila ng follow up operation and investigation.

Naniniwala si Yarra na hired killer ang mga suspek at mayroong nagbibigay ng instruction sa mga ito dahil kampanteng-kampante lamang sila sa pagpunta at pag-alis sa kinaruroonan ng biktima matapos mapaslang, habang mayroon silang tineteks sa cellphone.

Ayon kay Yarra, maaaring tawagan o iteks ng informant ang MPD homicidesa mga numerong 524-4311 at cellphone number 09179607922.

TAGS: land bank, MPD, Radyo Inquirer, land bank, MPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.