Rep. Bertiz nag-sorry dahil naman sa monthly period remarks

By Erwin Aguilon October 02, 2018 - 12:52 PM

Muling nag-sorry si ACTS OFW Partylist Rep. John Bertiz matapos nitong isisi sa monthly period ang kanyang inasal sa viral video sa NAIA.

Ayon kay Bertiz, wala siyang intensyon na insultuhin ang sektor ng kababaihan sa kanyang tinuran sa press conference kahapon.

Ito na ang ikaapat na ulit na humingi ng sorry ang mambabatas matapos masangkot sa kontrobersya kung saan ang una ay ang biro nito sa PRC event, ikalwa ay sa isang OFW na nakasigawan nito sa Hong Kong at ikatlo ay ang inasal niya sa NAIA.

Nilinaw rin nito na wala siyang balak magbitiw bilang kongresista sa kabila ng mga natatanggap na batikos matapos ang komprontasyon sa paliparan.

Nauna rito, pumalag ang Gabriela Women’s Party sa pahayag ng kongresista at iginiit na ang tunay na isyu ay ang pagiging arogante niya.

Idinagdag nito na nakatakda na niyang i-surrender sa NAIA ang security ID ngayong araw kahit na hindi ito ni-revoke ng pamunuan.

TAGS: ACTS OFW Party List, John Bertiz, ACTS OFW Party List, John Bertiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.