Pag-apruba ng 105 days maternity leave sa Kamara ikinatuwa ng grupo ng mga manggagawa

INQUIRER File Photo

Welcome para sa Federation of Free Workers ang pag-apruba ng Congressional Bicameral Conference Committee ang 105-araw na bayad na Maternity Leave para sa mga kababaihang manggagawa sa gobyerno man at sa pribadong sektor.

Ayon kay Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula, maging ang ibang labor unions sa ilalim ng Federation of Free Workers ay tanggap din ang naturang panukala ng Senate Bill No. 1305 at House Bill No. 4113 na kinikilala na ang pangangalaga sa bata ay hindi solong responsibilidad lamang ng isang ina.

Paliwanag ni Matula, ang panukalang consolidated version ng lehislasyon ay pinapayagan ng pitong araw sa loob ng 105 araw na maternity leave na maaaring ilaan para sa paternal leave, habang ang karagdagang 15 araw na bayad na leave ay pwedeng gamitin ng single mothers.

Nakasaad sa inaprubahang panukalang batas, halos doble na ang benepisyo sa ilalim ng SSS law at tumutugon sa kasalukuyang International Law Organization at ASEAN standards.

Read more...