Excise tax sa oil products maaring itigil muna ng Malakanyang
Nakahanda ang Malakanyang na itigil ang pagkolekta sa excise tax kapag patuloy na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakapaloob sa TRAIN law na maaring tanggalin ang excise tax sa produktong petrolyo kapag umabot sa isang partikular na halaga ang presyo nito.
May nakita na aniyang foresight ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaring magtuloy-tuloy ang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Martes ng umaga nang magpatupad na naman ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis.
Ito na ang ikawalong sunod na linggo na pagpapatupad ng oil price hike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.