Alden Richards itinanghal na Sexiest Man sa isang online poll

Itinanghal na 2018 Sexiest Man in the Philippines si Alden Richards sa annual online poll ng entertainment blog na Starmometer.

Sa Instagram account ng Starmometer, kinumpirma na si Alden ang nakakuha ng pinakamaraming boto bilang sexiest man na 39.83% o 10,607 na boto.

Tinalo ni Alden ang siyam na iba pang finalists kabilang ang three-time winner para sa nasabing kategorya na si James Reid.

Ang iba pang finalists na tinalo ni Alden ay sina Coco Martin, Carlo Aquino, Daniel Padilla, Dingong Dantes, Elmo Magalona, Enrique Gil, JM de Guzman, at Xian Lim.

Read more...