Klase sa isang paaralan sa Calauan Laguna sinuspinde dahil sa bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2018 - 10:53 AM

Nagsuspinde ng klase sa Dayap Elementary School sa Calauan, Laguna ngayong araw ng Martes (Oct. 2).

Ito ay makaraang makatanggap ng bomb threat ang nasabing paaralan.

Ayon sa Calauan Police, ang principal ng eskwelahan ang nakatanggap ng banta.

Isang text umano ang ipinadala kay School Principal Mylene Dimaculangan alas 6:30 ng umaga at sinabing may bomba sa paaralan.

Dahil dito, hindi na pinapasok ng eskwelahan ang mga mag-aaral at pinauwi na lamang.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon sa insidente at ginalugad ang paaralan na kalaunan ay nagnegatibo sa bomba.

TAGS: bomb scare, Calauan Laguna, Dayap Elementary School, bomb scare, Calauan Laguna, Dayap Elementary School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.