Odd/Even scheme hindi opsyon ng MMDA sa nalalapit na Christmas rush

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2018 - 09:55 AM

Walang balak ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isulong ang pagpapatupad ng odd/even scheme para sa nalalapit na holiday season.

Inaasahan kasing lalo pang titindi ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa Metro Manila pagpasok ng holiday rush.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na panandalian lamang ang maitutulong ng odd/even scheme at kalaunan ay lalo pang makapagpapabigat sa daloy ng traffic dahil darami ang sasakyan sa kalsada.

Ngayong buwan sinabi ni Pialago na nakatakda ang pulong nila sa mga mall owners para sa pag-adjust ng kanilang mall operating hours.

“Sa Christmas rush ho, ang pakikipag-ugnayan po natin sa mall operators for adjustment sa kanilang mall operating hours will be this month. So antayin lang ho natin yon, kasi kapag ginather ho natin sila hindi pwedeng isa-isang mall kailangan lahat. wala na kaming massive na naiisip pa, ayaw ho naming mag-odd/even, makakatulong ho iyan sa ngayon pero ‘pag tagal ng magugulat ho tayo mas marami na pala ang sasakyan,” ani Pialago.

Maliban sa pag-adjust ng operating hours ng mga mall, sinabi ni Pialago na magpapatuloy ang paghihigpit nila sa mga umiiral na polisiya sa mga pangunahing lansangan. Gayundin ang clearing operations sa Mabuhay lanes.

TAGS: edsa, Holiday rush, mmda, traffic, edsa, Holiday rush, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.