2 pribadong kumpanya tutulong sa PRRC sa paglilinis ng Ilog Pasig

By Ricky Brozas October 02, 2018 - 07:45 AM

PRRC Photo

Pumasok sa isang kasunduan ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa dalawang pribadong kumpanya para sa pagsasaayos at monitoring ng kalidad ng tubig ng 27-kilometrong Pasig River system bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na maibalik ang likas na taglay nito para sa recreation, transportation at tourism.

Siniguro naman ni PRRC executive director Jose Antonio E. Goitia na walang gagastusin ang gobyerno sa naturang kasunduan dahil babalikatin ng pribadong kumpanya ang gastusin para dito.

Lumagda sa memorandum of agreement ang PRRC sa Bio Sperans Corporation, sa ilalim ng kanilang pangulo na si Erwin Navarez, para sa implementasyon ng pilot water quality improvement project sa 1,084-meter Estero de Concordia.

Hiniling ng Bio Sperans ang permiso ng PRRC na gamitin ang Bio Solution na mayroong trillions ng beneficial microorganisms at concentrated powerful enzymes na makababawas sa masangsang na amoy at maiayos ng kalidad ng tubig sa estero de Concordia.

Tatagal ang proyektro sa loob ng isang buwan.

Lumagda rin ang PRRC sa isang memorandum of cooperation sa Cypher Odin Incorporated, sa ilalim ng kanilang founder at chief executive officer na si Mariano Jose Diaz Villafuerte IV na siya naming kakalap ng data at situational analysis ng Pasig River at mga estero na nakakonekta dito.

Ang Cyber Odin sa tulong ng PRRC ang magsasagawa ng pilot studies at river quality reconnaissance para malaman ang kasalukuyang kondisyon ng tubig ng ilog pasig.

Ang Cyper Odin rin ang kakalap, mag-aanalisa at susuri sa data na siya namang i-uulat nila sa PRRC para sa verification at implementasyon.

Nagkasundo rin sila na regular na magpulong para matukoy ang mga aspekto ng problema na dapat tugunan at nangakong igagalang ang kani-kanilang opinyon sa layunin na mapagbuti ang ilog Pasig.

Ang Cyber Odin ay isang pribadong organisasyon na makikipagtulungan pero hiwalay na magtatrabaho sa PRRC.

TAGS: pasig river, prrc, Radyo Inquirer, pasig river, prrc, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.