Patuloy na lumalakas ang bagyong Queenie habang tinatahak ang direksyong dinaanan ng bagyong Paeng na mayroong international name na Trami.
Sa 4 am weather bulletin na inilabas ng PAGASA, huling namataan ang typhoon Queenie sa 1,250 kilometro silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Lumakas pa ang dala nitong hangin sa 190 kilometro bawat oras malapit sa gitna at mayroong pagbugsong aabot sa 235 kilometro kada oras.
Bahagya itong bumagal at kumikilos na lamang sa bilis na 15 kilometer bawat oras sa direksyong hilagang kanluran.
Sa ngayon ay walang direktang epekto ang bagyo sa bansa, ngunit babala ng weather bureau, hindi ligtas ang mamalaot ang mga sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng Hilagang Luzon.
Inaasahan din na magdadala ang naturang sama ng panahon ng mahina at paminsan ay katamtamang pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.
Sa ngayon ay walang nakataas na anumang tropical cyclone warning signal sa bansa.
Biyernes ng hapon, October 5, ay inaasahang tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Queenie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.