Official twitter account ni Yaya Dub, napasok ng hackers
Pinasok ng hackers na nagpakilalang Anonymous Philippines ang official twitter account ni Yaya Dub.
Ginamit ng nasabing grupo ang Twitter account ni Yaya Dub na @mainedcm para mai-share ang kanilang Facebook link kung saan hinihikayat ang publiko na dumalo sa isang pagkilos sa November 9 sa Mendiola.
Humingi rin ng sorry ang grupo sa pagpasok sa account ni Yaya Dub at sinabing ibabalik din nila ang account sa may-ari. “Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari.. Nagmamahal, Anonymous Philippines,” nakasaad sa post.
Apat na beses na nag-post sa twitter account ni Yaya Dub ang hacker at sa ika-apat na post nito, nag-share ito ng link na kapag binuksan ay didiretso sa FB post ng Anonymous Philippines.
Sa nasabing FB post, hinihikayat ng grupo ang publiko na sumama sa ikinakasa nilang “Million Mask March” sa November 9, 2015.
Layon umano ng nasabing pagmamartsa na iprotesta ang mga problema sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.