Grace Poe magiging OJT lang pag nanalong Pangulo

June 20, 2015 - 02:08 PM

grace-poe1Magiging on the job training lang umano ang panunungkulan ni Sen. Grace Poe sakaling manalo itong Pangulo sa 2016 elections.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni dating Manila Mayor at ngayoy Buhay Partylist Representative Lito Atienza na kapag si Poe ang naging Pangulo ay tila OJT lang ang mangyayari.

Pahayag ito ni Atienza matapos maungusan ni Poe sa mga Presidentials surveys ng Pulse Asia at SWS si Vice Pres. Jejomar Binay.

Kinakabahan ang Kongresista kung tulad ni Poe na baguhan sa pulitika ang mamumuno sa banasa.

“Hindi dapat magpadala sa popularidad lang ng kandidato. Ang kailangan natin ay iyong may malalim na karanasan,” pahayag ni Atienza sa panayam ni Warrior Angel program host Brenda Arcangel.

Magsisilbi lang anyang trainee sa gobyerno ang Senadora kung ito ang papalit kay Pangulong Aquino at hindi nito matutugunan ang mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa.

Payo ng Kongresista, data tapusin ni poe ang termino nito bilang Senator pagkatapos ay targetin ang re-election para madagdagan ang karanasan at saka pa lang ito pwedeng tumakbong Pangulo./ Len Montano

TAGS: 2016, elections, grace poe, Radyo Inquirer, 2016, elections, grace poe, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.