Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagpapalawig sa coverage ng 20% discount sa pamasahe ng estudyante.
Layon ng Senate Bill 1597 na magkaroon ng discount sa pamasahe ang estudyante maski sa weekend and holiday.
Nakasaad din sa bill na sakop ng diskwento ang lahat ng uri ng transportasyon na epektibo sa buong taon.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, pangunahing may-akda ng bill, magiging mahalaga ang benepisyo para sa estudyante na katutubo at bahagi ng kapos na sektor na umaasa sa pampublikong sasakyan.
Oras na maging batas, lahat ng estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo at ang mga naka-enroll sa technical-vocational schools, ay may 20% discount sa pamasahe sa bus, jeep, taxi, tricycle, transport network service vehicle services (TNVS) gaya ng Grab, MRT, LRT, eroplano at barko pagka-prisinta ng school ID o bagong validated enrollement form.
Samantala, ang estudyante na bibiyahe sa ibang bansa para mag-aral, training at kumpetisyon ay exempted sa travel tax basta magbigay ng patunay o dokumento ng overseas training.
Hindi naman sakop ng bill ang estudyante na kumukuha ng post-graduate studies gaya ng medicine, law, masteral at doctoral studies at short-term courses.
May kaukulang penalty sa hindi magbibigay ng 20% fare discount sa estudyante habang ang misrepresentation ng student ID ay may civil at penal liabilities.
Excerpt: