67 anyos na kasambahay patay matapos bugbugin ng 2 lalaking nanloob sa bahay sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2018 - 06:27 AM

Police banner

Patay ang isang 67 anyos na kasambahay matapos bugbugin ng dalawang magnanakaw na nanloob sa isang bahay sa Quezon City.

Nasawi si Leoncia Tupas nang datnan siya ng mga magnanakaw sa niloobang bahay.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Orlan Pineda at Charles Valles na kapwa tindero ng alimango.

Ayon sa imbestigayson ng QCPD, tinangay ng dalawa ang wallet ng amo ni Tupas na may laman na P7,000 at nang makita nilang nasaksihan ng kasambahay ang kanilang ginawa ay pinagtulungan nila itong bugbugin.

Tinakpan din nila ang bibig ni Tupas na ikinasawi nito.

Nabatid namang suki sa alimango ng mga suspek ang pinagnakawang bahay.

Depensa nila, nagawa nila ang krimen dahil sa matinding pangangailangan. Pero ayon sa pulisya, ang dalawa ay kapwa lulong sa pagsusugal.

Dahil sa insidente, mahaharap ang dalawang suspek sa kasong robbery with homicide.

TAGS: homicide, metro, quezon city, Robbery, homicide, metro, quezon city, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.